top of page

Likhaan @ 28: Pagpapatuloy sa Pagtaguyod sa Kalusugan at Karapatan ng mga Kababaihan at Kabataan

Updated: Sep 18, 2023

Setyembre 15, 2023. 28 years na ang Likhaan! Napakahalagang araw sa buhay ng Likhaan ang araw na ito. Mula sa maliit na organisasyon noong 1995, ang Likhaan ay lumago.


Sa loob ng 27 years ang Likhaan ay patuloy na lumikha ng mga programa para matugunan ang pangangailangan ng kabataan at kababaihan sa sexual at reproductive health and rights (SRHR).


Nagbibigay ng pag-aaral at serbisyong SRH sa mga mahihirap na komunidad ng Manila, Malabon, Navotas, Bulacan, Pasay, Cavite at Eastern Samar. Patuloy ang pag-oorganisa at adbokasiya para sa mga polisiya at programang tutugon sa karapatang SRHR.


Hindi naging madali ang paglalakbay para maabot ng Likhaan ang 28 years. Malaking pasasalamat sa mga taong nagtiwala at sumuporta sa Likhaan. Hangad namin ang patuloy ninyong pagsuporta.


Higit sa lahat, maraming salamat sa patuloy na lakas ng 74 na staff ng Likhaan na tuloy-tuloy ang dedikasyon sa gawaing Likhaan.


Ang ilan sa mga kuwentong Likhaan ay nagsasalamin ng buhay ng Likhaan staff.


  • Si Lina, community leader, isa sa mga pinakamatagal na sa Likhaan. Nagsimula bilang masugid na kalahok sa mga pag aaral sa Malabon. Wala pa siyang ideya noon na ang paglahok niya sa pag-aaral ay maaaring makatulong din sa ibang tao. Madaming “raket” si Lina para mabuhay. Sa pag-iikot niya sa kanilang komunidad, maraming nagtatanong sa kaniya at ang mga natutunan niya ay naipamahagi niya sa iba. Nag-volunteer siya na maging miyembro sa simula at naging tuloy-tuloy na maging isa sa mga leader ng MOTHERS.


Sa walis, kung mag-isa ka lang na tingting wala itong magagawa. Pero kung marami at pag-sasamahin, mas may puwersa.”


Binago yung buong pagkatao ko ng Likhaan, hindi lang yung pag-iisip, natuto ako dahil tinuruan ako ng Likhaan. Yung kaalaman na iyon ang nagiging susi para lalo kong pag-ibayuhin ang aking gawain.

Si Lina kasama ang mga delegado ng Manan Trust habang iniikot ang community ng Brgy. 105


  • Si Mark, community mobilizer. Taong 2006 nang magsimula si Mark na mag-volunteer sa Likhaan hanggang naging isang community mobilizer.


Sa community, ang yaman ng kwento. Nakakatuwa kasi mapagbigay ang mga taga-community, yung ipagkakatiwala nila sa ‘yo ang kwento nila. Yung mga kwento na hindi mo inaasahang nangyayari pala.”


Dati, para kay Mark, yung mga kuwento na naririnig niyang tinuturo ng Likhaan ay parang teorya lang. Pero ngayon, bilang community mobilizer, siya na mismo ang nakakakita o nakakatagpo ng mga ganitong kwento. Para kay Mark, basta kwentong RH dapat itong mapakinggan.

Si Mark habang nagtuturo sa mga buntis ng pangangalaga sa pagbubuntis, kahalagahan ng ANC at Birthplan, HIV Screening at Family Planning


  • Para naman kay Arnold, clinic program coordinator, kilala na niya ang Likhaan noon pa. Naging Likhaan clinician sya noong 2009.


Ang mga community-based clinics ay nagbibigay ng reproductive health services. Patient-centered tayo, gusto natin na nakakatulong tayo sa mga kababaihan lalo na sa mga walang kakayanan na kumuha ng gantong klase ng serbisyo.


Napaka-unique ng serbisyo natin. Nakikita mo na dahil maraming may kailangan, dapat ayusin, ipagpatuloy at gandahan pa ang pagbibigay ng serbisyo.”

Si Arnold habang nagkakabit ng implant sa isang pasyente noong FP Fair sa Manila


  • Si Ellen, advocacy staff. Nagsimula bilang admin. Tingin niya, ang advocacy ay bahagi talaga ng gawaing Likhaan kahit nasa iba ka mang programa.


Isa sa mga magandang nangyari sa advocacy work ang RH law. Matagal na panahon ang kampanya para maipasa ito. May hawak tayo na batas na dapat sinasagot ng gobyerno ang mga pangangailangan sa family planning para hindi na nahihirapan ang mga kababaihan, kung walang pambili ng contraceptives.”

Selebrasyon ng ika-10 taon ng RH Law noong Desyembre 2022


Ngayon sa ika- 28 years ng Likhaan, patuloy pa rin itataguyod ang kalusugan at karapatan ng mga kabataan at kababaihan para sa kinabukasang mas malaya, mas maunlad at mas payapa!


Happy 28th, Likhaan!

268 views0 comments

Comments


bottom of page