Tungkol sa Likhaan
Kami ay kolektibo ng karaniwang mga babae't lalaki, mga nagmamalasakit sa kalusugan at medikal na propesyunal na adhikain ang pagsulong sa kalusugan at karapatan ng mga maralitang babae at kanilang mga komunidad.
Mula nang itatag noong 1995, nakapagpaunlad kami ng mga modelo ng pangangalaga na tumutulong na magpalitaw sa kakayahan ng kababaihan at kabataan sa samasamang pagkilos para sa pagbabago.
Aktibo kaming nakikilahok sa sumusunod na mga usapin:
- pantay na kapangyarihan para sa kababaihan;
- pagkamit ng lahat sa pinakamataas na maaabot na antas ng pangangalagang pangkalusugan;
- batayang antas ng pangangalagang pangkalusugan;
- pagkamatay mula sa pagbubuntis at panganganak;
- kontrasepsyon;
- hindi ligtas na pagpapalaglag; at
- karapatan ng mga pasyente.
Sumasaklaw ang mga ginagawa namin mula sa lokal na inisyatiba sa kalusugan na naglilingkod sa mahihirap na komunidad at mamamayan ng Malabon, Manila, Pasay, Quezon City, Bulacan, Bohol at Eastern Samar; hanggang sa pambansang mga pagkilos at kampanya na naglalayong magbunsod ng pagbabago sa mga patakaran at programa.
- Printer-friendly version
- 4227 reads
- English

More comments...