10 Magandang Dahilan na Ipasa Na ang RH Bill

Noong 1998, ang RH ay matamlay na programa na gustong ibuwelo ng 2 kalihim ng DOH sa buong sistemang pangkalusugan. Ngayon, ang RH o reproductive health ay bukambibig at tumimo na sa isipan ng publiko. Suportado ng mayorya ang RH sa walang katapusang mga survey, habang putok ang pagdebate nito sa Kongreso at sa nakaraang eleksyon ng pangulo. Bakit suportado ng mayorya ang RH? Maraming malalim at praktikal na dahilan. Eto ang 10 na madaling maintindihan:

Bukas na Liham kay Rep. Robes Hinggil sa RH Bill

Marami po sa amin ang ayaw nang madagdagan pa ang mga anak, dahil na rin sa hirap ng buhay. Nakaranas na rin po kami ng di sapat na pagkain, kawalan ng sapat na panahon para sa aming mga anak at pamilya. Isa sa nakikita po naming paraan o lunas ay ang pagplano ng pamilya at pagcontrol sa dami ng anak sa pamamagitan ng paggamit ng kontraseptibo subalit paano kami makakapagpatuloy sa paggamit nito kung walang sapat na suplay mula sa mga health center at tulong mula sa mga namumuno? Meron nga sa botika na mabibili subalit mas mahal pa sa isang kilo ng bigas. Kung gipit kami at papipiliin, mas higit na pipiliin ang pagbili ng bigas upang may maihain sa hapag kainan. Ang ganitong sitwasyon sa aming lugar ang nagiging dahilan kung bakit may mga babaeng nagpapalaglag kahit pa labag sa kanilang kalooban at nagiging sanhi ng komplikasyon, at kung minsan nauuwi sa kamatayan.

Pagkain ng sisiw para sa iba, pagkain na para sa mga anak niya

"Ayokong magutom ang mga anak ko, kaya't nakakahiya man, gagawin at gagawin ko ito." 'Yan ang tugon ni Aling Linda nang tanungin ko siya kung bakit humihingi ng mga natapong bigas sa mga tindahan.

Halos maglilimang taon nang ginagawa ito ni Aling Linda, 38 anyos, may kinakasama at apat na anak at naninirahan sa Brgy. Tonsuya, Malabon. Ayon sa kanya, kinain na ng limang taong nagdaan ang hiya niya sa gawaing ito. Matitiis niya ang mga pangungutyang naririnig mula sa mga nakakakita sa kanya, ngunit hindi ang daing ng mga nagugutom na anak. Nagsimula ang hirap sa buhay ni Aling Linda nang dahil sa pagsunod sa konserbatibong paniniwala ng kanyang mga magulang, na ang unang lalaking makakakuha sa kanya ang dapat niyang makasama sa buong buhay.

Bakit Matinong Patakaran ang Pagsuporta sa Family Planning

Tamang bilang ng anak sa tamang panahon: ito’y matitinong pangarap, gusto ng karamihan ng babae’t mag-asawa para mabigyan ng tamang pag-alaga at mas magandang kinabukasan ang mga anak. Garantisado rin ang mga ito bilang karapatang pantao ng Saligang Batas. Madali lang ito para sa 20% ng pamilyang nasa tuktok. Sa 10 maykayang babae, may 3 lang na di-planadong anak na mailuluwal. Pero sa sinlaking grupo ng pinakamahirap na 40%, 13–19 ang mabubuo. Mga babaeng mahirap ang may pinakamaraming anak na wala sa plano.

Kabataan, May "Say" Ka!

Maaaring sabihin ng ilan na kulang ang kaalaman ng kabataan sa kung ano ang kahahantungan kung maisasabatas ang RH bill. Ngunit kulang nga ba? O sa murang gulang ay mulat na sila sa tunay na nangyayari sa ating lipunan? Gaya ng marahas at di-makataong pagtrato sa ilang kababaihan; o sa dami ng bilang ng babaeng namamatay araw-araw! Kung kaya't pati kabataan ay hindi na lamang nananahimik at nagwawalang kibo, kundi nakikilahok na at nagpapakita ng pagsuporta upang mabago ang pakikitungo sa kanila o sa kanilang kapwa.

Komunidad na Malusog at Maunlad: ang Samahan ng Malayang Kababaihan sa Towerville

Pitong taon na ang SMKT ng tuloy-tuloy na pagserbisyo sa komunidad. Upang matugunan ang sari-saring problema, meron itong iba't ibang mga programa o proyekto. Merong pagtutulungan ng mga myembro sa oras ng emerhensiya na tinawag na Damayan. Ang mga myembro nito ay nag-aambag ng maliit na halaga upang maitulong sa sinumang myembro na magkakaroon ng emerhensiya sa kalusugan. Isang halimbawa ng nagawa na nito ang tulong sa isang myembro nang maaksidente sa motor at kinailangan dalhin sa ospital para tahiin ang sugat. Sa maliit na halaga na nakuha sa Damayan, agad siyang nabigyan ng anti-tetanus at paunang lunas. Pagkatapos magamit ang pondo, nag-aambagan muli para sa susunod na mangangailangan.

Syndicate content